Monday, November 25, 2019
KONSEPTONG PAPEL Essays - Free Essays, Term Papers, Research Papers
KONSEPTONG PAPEL Essays - Free Essays, Term Papers, Research Papers John Stephen PeraltaPAGSULAT BSN 1A KONSEPTONG PAPEL Kahulugan Ang konseptong papel ay unang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa pagsusulat. Isa rin itong gabay upang maipakita ang potensyal sa gagawing pag-aaral. Ito ay hindi lalagpas ng limang pahina. Isaalang-alang din ang babasa ng papel. Nararapat iayon ang salitang gagamitin sa antas ng mga babasa nito, kaya nararapat na hind imaging teknikal kung hindi ito ang oryentasyon ng mambabasa. Katangian ng Konseptong Papel Paggalang sa ibang pananaw Ang pantay na paglahad ng ideya Organisado Bahagi ng Konseptong Papel 1.Rasyunal (rationale) Gaya ng natalakay sa unang bahagi, taglay ng rasyunal ang pinagmulan ng ideya o kadahilanan kung bakit napili ang isang paksa. Ang kabuluhan at kahalagahan ng naturang paksa o pag aaral ay inilalahad sa puntong ito. 2.Layunin (objective) Ang hangarin o pakay ng pag aaral na nais matamo mapiling paksa. Maari itong pangkalahatang (general) o tiyak (specific). Sa pangkalahatang layunin, ipinahayag nito ang kabuuang layon, nais gawin, mangyari o matamo sa pananaliksik. Sa tiyak na layunin, ipinapahayag nito ang ispesipikong sa pananaliksik sa paksa. 3.Metolohiya (metology) Ang paraan (technique) at pamamaraan (method) ginagamit sa pagkuha ng datos at pagsusuri ng piniling paksa sa pananaliksik ay nasa bahagi ng metolohiya. Maaring gamitin sa pagkuha ng datos ang serbey, questionnaire, case study, obserbasyon, interbyu at iba pa. Kung magsusuri, magagamit ang paraang empirical, komparatibo, interpretasyon o pagpapakahulugan. Magagamit ang mga ito depende sa larangang gagamitin. 4.Inaasahang bunga (expected, outcome, output) Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawa ang pananaliksik. Maaring banggitin ditto ang mga idinagdag gaya ng apendiks.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.